Electronic channels ng BPI, pwede na ulit ma-access

Manila, Philippines – Inanunsyo ng Bank of the Philippine Islands (BPI) na pwede na ulit ma-access ang kanilang electronic channels partikular sa online banking.

Ito’y matapos kanselahin ng BPI ang kanilang online banking kahapon para maipagpatuloy ang pagsasaayos ng mga accounts na nabawasan o nadagdagan.

Ayon kay BPI Senior Vice President Catherine Santamaria – mayroon pa rin kasing mga accounts ang may maling balanse kaya kinansela muli ang online banking.


Nanawagan din ang BPI na huwag nang isapubliko ang mga impormasyon tungkol sa inyong mga bank account lalo na sa social media dahil baka magamit pa ito ng mga mapagsamantala.

Kasabay nito, muling humingi ng paumanhin ang BPI sa mga naperwisyo.

DZXL558

Facebook Comments