Inihahanda na ng Bureau of Customs (BOC) ang electronic devices at educational learning materials na nasabat nito sa airport.
Nagsasagwa na ng imbentaryo ang Customs sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) sa mga electronic devices at iba pang educational materials na inabandona na sa paliparan.
Ido-donate kasi ito ng BOC sa Department of Education (DepEd) para magamit sa distance learning program ngayong may pandemiya.
Kabilang sa mga electronic devices ay mga laptop, flash drives, hard drives, mobile phones, full HD LED computer monitors, printers, laptops, routers, pocket WiFi, computer tablets, educational books at school bags and shoes.
Para matiyak na pasado sa minimum standards ang mga donation at masigurong ligtas gamitin ang mga ito, kumuha narin ng kaukulang clearance ang BOC sa National Telecommunications Commission (NTC) at Optical Media Board.