Plano ng Bureau of Immigration (BI) na i-upgrade ang electronic gates (e-gates) sa mga paliparan para sa mga papauwing pasahero sa bansa.
Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, marami na siyang natatanggap na ulat hinggil sa hindi paggamit ng mga pasahero ng e-gates kaya’t hindi pumapasok ang kanilang flight record sa nasabing sistema.
Kaya’t dahil dito, naoobliga ang mga pasahero na magtungo sa mga counter para iproseso ito ng mano-mano.
Giit ni Tansingco, sakaling matapos ang upgrade, hindi na kailangan i-scan ang mga boarding passes kung gagamitin ang electronic gates at mababawasan ang oras nila sa pagproseso nito.
Dagdag pa ng opsiyal, makatatanggap ng e-mail ang mga pasahero kung saan ipinagbibigay-alam ang oras ng kanilang arrival.
Ang mga naturang hakbang ng Bureau of Immigration ay bilang parte sa isinusulong na Bagong Pilipinas at ang mga pag-upgrade sa mga e-gates ay papalit sa 25% manual operations sa mga major international airports.