Inaasahang maaaprubahan na agad sa ikatlo at huling pagbasa ang House Bill 10245 o “eHealth System and Services Act” matapos na makalusot ang panukala sa ikalawang pagbasa.
Sa viva voce voting ay pinagtibay sa second reading ang panukala na layong magtatag ng electronic health o eHealth system sa bansa upang mapalawak ang access sa de kalidad na health information aND services gamit ang informations and communications technology.
Sa ilalim ng National eHealth System, sakop nito ang lahat ng kasalukuyang healthcare providers at iba pang kahalintulad na gumagamit ng e-health systems, services, applications, at tools.
Naunang inihayag ni Health Committee Chairman Angelina Tan na ang panukala ay mahalagang pangangailangan para sa ikatatagumpay ng Universal Health Care Law.
Tinitiyak din sa panukala ang pantay na access sa serbisyong pangkalusugan lalo na sa mga kababayang nakatira sa mahirap at pinakamalalayong lugar.
Itatatag din ang eHealth Policy and Coordination Council na siyang maglalatag ng mga polisiya at magsusulong ng mga patakaran para sa epektibong implementasyon ng batas.