Inihayag ng Makati City Government na gagamit sila Electronic Money Transfers sa ikalawang bahagi ng pagbibigay ng tulong pinansyal para sa mga drivers ng Tricycle, Jeep at Pedicab na apektado sa pagpatupad ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).
Ayon kay Makati City Mayor Abby Binay, mayroon 8,376 tricycle, jeepney at pedicab drivers ang lungsod na makakabenepisyo sa nasabing financial assistance na nagkakahalaga ng ₱2000.
Paliwanag ng alkalde, ang ilang drivers na Makatizen cardholders ay deretsong ilalagay sa kanilang e-wallet ang 2,000 pesos.
Habang ang hindi Makatizen cardholders na mga driver ay tratransfer ang cash grant sa pamamagitan G-Cash.
Bago nito, pinagsumite ng application forms ang mga driver na walang Makatizen Card upang magawan sila ng GCash account gamit ang kanilang ibinigay na mobile numbers.
Batay sa record ng Makati City Government, meron itong 1,826 rehistradong miyembro ng Makati JODA, 5,952 rehistradong tricycle drivers, at 598 pedicab drivers.
Layunin, aniya, ito upang maipatupad ang social distancing sa lungsod.