Nakipagpulong si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga executive ng VinGroup na isa sa pinakamalaking conglomerates sa Vietnam.
Ayon kay Pangulong Marcos Jr. na papasok ang VinGroup sa Pilipinas dahil interesado itong gumawa ng baterya at magdala ng electronic vehicles (EV) sa bansa.
Magbibigay din ng 20 scholarship ang VinGroup para sa mga Filipino students para makasabay ang mga ito sa digital era.
Tinalakay rin sa pulong ang Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP), lokal na pagproseso ng nickel, at mga reporma sa edukasyon.
Pinuri naman ni Pangulong Marcos Jr., ang mga gawi ng Vietnam at inirekomenda ang EV assembly sa Pilipinas.
Facebook Comments