Electronic voting para sa OFWs, isinusulong sa Kamara

Isinulong ni OFW Party-list Representative Marissa “Del Mar” Magsino ang electronic voting para sa mga Overseas Filipino Worker o OFW kasama ang mga Filipino seafarer.

Nakapaloob sa inihain House Bill Number 6770 ni Magsino na ang pagpaparehistro, pagtanggap ng balota at pagboto ay idadaan sa electronic na paraan na itatakda ng Commission on Elections (COMELEC).

Halimbawa nito ang electronic mail, web-based portals, at iba pang internet-based technologies.


Target din ng panukala na makapaglatag ng mekanismo na magpapahusay sa umiiral na proseso para sa absentee voting of OFWs and Overseas Filipinos.

Tiwala si Magsino na mas marami pang OFWs ang gagamitin ang kanilang right of suffrage para piliin ang mga nararapat mamuno sa ating bansa.

Facebook Comments