ELEKSYON 2018 | COMELEC may panawagan sa mga media!

5

Dagupan City – Hinikayat ngayon ng Commission on Elections (COMELEC) ang mga kawani ng media sa lalawigan na magko-cover ng Barangay at SK Elections na magpa-accredit sa kanilang tanggapan upang masiguro ang integridad ng mga kawani o grupo ng media na magsasagawa ng nasabing election coverage.
Alinsunod ito COMELEC Resolution No. 10285 lahat ng accredited na kawani ng media ay magkakaroon ng maximum access sa kabuuan ng electoral process. Ito rin ay parte ng hakbang ng ahensya upang maiwasan ang mga bogus at unprofessional activities ng ilang kawani ng media o nagpapanggap na media na maaaring manantala.
Sa mga nagnanais na magpa-accredit ay maaring magtungo sa anumang COMELEC office at dapat mag-fill up ng application form, mag-pasa ng 2×2 coloured picture, endorsement letter mula sa network na kinabibilangan, at assignment letter mula sa bonafide media organization kung saan naka-assign ang mga kinatawan.

Facebook Comments