Dagupan City- Nakapagtala ng humigit kumulang 150,000 na botante ang nagparehistro ang Commission on Elections. Tinatayang nasa 42,000 ang mga botanteng nasa edad 15-17 at higit 100,000 ang mga edad 18-30.
Samantala,matapos ang filing of certificates of candidacy noong Abril 21(Sabado), nasa 1,390 Barangay at Sangguniang Kabataan candidates ang nakapagsumite ng kanilang Certificate of Candidacy. Ayon kay Atty. Ericson Oganiza, Dagupan City Election Officer, nagkaroon ng ekstensyon ang pagpapasa ng COC dahil may humigit kumulang 100 kandidato ang humabol, salungat sa anunsyo ng COMELEC Reso No.10246 na hanggang Abril 20 (Biyernes) lamaang ang huling araw ng pagpapasa.
Sa kasalukuyan, umarangkada na ang election period mula noong April 14 hanggang May 21. Nagbigay ng ilang paalala ang Commission of Elections ng mga Prohibited Acts tuwing Election period :
1. Carrying of firearms or deadly weapon.
2. Use of security personnel or bodyguards by candidates.
3. Organizing or maintaining reaction forces, strike forces or similar forces.
4. Transfer or detail of officers and employees in the civil service including public school teachers
5. Suspension of any Elective Provincial, city, municipal or barangay officer
6. Alteration of a territory of a precinct or establishment of a new precinct.
7. Coercing, threatening, intimidating or terrorizing any election official or employee in the performance of his election functions or duties.
Ulat ni Geannie Victorio