Libreng seminar ang handog ng Parish Youth Ministry ng Our Mother of Perpetual Help Parish sa mga nais tumakbo bilang SK Officials ng halos 15 na barangay sa bayan ng Malasiqui, Pangasinan noong Sabado, April 28, 2018.
Ang naturang aktibidad ay dinaluhan ng iba’t ibang kandidatong kabataan sa Upland Barangays ng bayan na kung saan sila ay tinuruan tungkol sa mga magiging papel nila kung sakaling sila ang manalo sa naturang halalan.
“The Youth and their Active Social Involvement” ang pangunahing itinuro ni Sir Franklin “Kleng” De Guzman, ang naimbitahang speaker sa isinagawang seminar. Ipinaliwanag ng maayos ang paksa upang madaling maintindihan ng mga kandidato ang nais iparating nito sa kanila.
Ayon kay Sir De Guzman, Former Coordinator ng Archdiocese of Lingayen Dagupan Youth Ministry, ang layunin ng kanyang paksa ay para maipa-alam sa kanila ang mga tungkulin at responsibilidad nila bilang isang lider ng kanilang pamayanan at para malaman na rin nila na may magagawa ang kagaya nilang kabataan sa kanilang lipunan. Pakay din ng seminar na ito ay para ipaalam din sa kanila na kahit kabataan lang sila ay kaya nilang maglikod sa bayan.
Ang mga kandidato ay talagang nakinig ng husto dahil kailangan nila ito para sa isa ikakaganda, ikauunlad at ikatatatag ng samahan ng mga kabataan sa kanilang barangay.
Isa sa rin sa hangarin ng Simbahang Katoliko ang pagsasagawa ng ganitong gawain ay para mapalapit ang mga kabataan sa simbahan at upang makilala nila ating Poong Maykapal bilang sentro ng ating buhay at sa pamamalakad ng pamahalaang pang-barangay.
Ulat ni Jhon Michael Caranto
ELEKSYON 2018 | Libreng Seminar ng Simbahang Katoliko para sa mga Tatakbong Sanguniaang Kabataan, Isinigawa!
Facebook Comments