ELEKSYON | Alliance of Concerned Teachers, nagdaos ng mga Peace Covenant sa mga barangay sa QC

Manila, Philippines – Aminado ang Alliance of Concerned Teachers na bagamat boluntaryo na ang pagsisilbi ng mga guro sa eleksyon, may mga guro sa ilalim ng ACT ang nagdadalawang isip na magbigay ng serbisyo sa nalalapit na Barangay at SK elections sa QC.

Ito ang dahilan ayon kay Chris Navales, Board of Director ng ACT-QC kung bakit nagkasa sila ng serye ng Peace Covenant sa ilang Barangay na itinuturing nila na magiging mainit ang pagdaraos ng eleksyon.

Ayon naman kay District Supervisor Rebecca Kalaw, napapayag na rin nila ang kanilang guro na magsilbing BEI sa Roxas District kasunod ng nangyaring peace covenant signing kanina ng mga nagtutunggaling kandidato.


Bagamat tatlong kapitan ang magtutunggali sa Roxas District, hindi nagpapakakampante ang mga guro.

Aniya, noong nakalipas kasi na elections ay dumanas ng pananakot at kinasuhan ang ilan nilang mga guro na nagsilbing BEI.

Maliban sa Roxas District, may nakakasa ring covenant signing sa Melencio castello, Barangay Pasong putik, Barangay Batasan at Apolonio Samson.

Facebook Comments