ELEKSYON | Bilang ng election hotspots, inaasahan pang dumoble

Manila, Philippines – Inaasahan ng Department of Interior ang Local Government o DILG na dodoble pa ang election hotspots ilang araw bago sumapit ang May 14 baranggay at SK elections.

Ito ang inihayag ni DILG Usec Martin Diño sa isinagawang press briefing ng DILG-PNP sa Camp Crame.

Batay sa huling datos ng Philippine National Police, may 7915 hotspots na naitala sa buong bansa, kung saan 619 ang “red level” 4,972 ang “orange level” at 2,325 ang “yellow level”


Sinabi ni Diño na maaring dumoble ito dahil sa panghihimasok ng mga local politicians.

Sinabi ni Diño, maraming natatanggap na sumbong ang DILG mula sa ilang mga lugar kung saan sinusuportahan ng mga Mayor at Congressman ang ilang mga kandidato sa mga baranggay.

Binalaan naman ni Diño ang mga nakaluklok na local government officials na bawal silang manghimasok sa barangay elections.

Kaugnay nito umabot na sa 24 indibidwal ang namamatay sa 18 naitatalang suspected election related incidents at 2 validation election related incidents simula April 14 hanggang May 9, 2018.

Sa mga nasawi 13 ay mga elected government official, 3 ay kandidato, isa ay dating elective govt. official, isa ay appointed government personnel at 6 na sibilyan.

Anim naman ang naitalang sugatan at 3 ang unharmed.

73 mga suspek naman ang patuloy na pinaghahanap, 21 dito ay tukoy na, 52 hindi pa alam ang pagkakakilanlan at tatlo ay arestado.

Facebook Comments