ELEKSYON | COMELEC, hinimok ang publiko na isumbong ang mga pasaway na kandidato

Manila, Philippine – Hinimok ng Commission on Elections (COMELEC) ang publiko na isumbong sa kanilang tanggapan ang mga paglabag na nagagawa ng mga kandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ayon kay COMELEC Spokesman Director James Jimenez, agad na pupuntahan ng kanilang Local Officials ang lugar o barangay kung saan may sumbong partikular sa mga campaign poster na iligal na nakalagay sa hindi common areas.

Pero isa sa nakikitang problema ng COMELEC ay ang mga paliwanag ng inireklamong kandidato kung saan sasabihin nila na ang kalabang partido ang mga gawa nito kaya masusi nila itong iimbestigahan.


Gayunman, tatanggalin pa rin ng COMELEC ang mga bawal na campaign posters.

Pinaaalahan din ng COMELEC ang mga kandidato na huwag silang lalagpas sa required budget para sa pangangampanya.

Samantala, tiniyak naman ni Jimenez na handang-handa na ang ahensya sa halalan sa May 14 at kanila nang idedeliver ang mga election forms at supplies sa mga barangay isang linggo bago ang botohan.

Facebook Comments