Eleksyon, ‘di Solusyon sa Problema ng Bansa- CPLA Chairman Mailed Molina

Naniniwala si Cordillera People’s Liberation Army (CPLA) Chairman Mailed Molina na hindi eleksyon ang tutugon sa problemang nararanasan ng mga Pilipino.

Kasunod ito ng katatapos lamang na 2019 midterm elections kung saan talamak pa rin ang pamimili ng boto ng mga kandidato.

Sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay CPLA Chairman Molina na isa sa pursigidong nagsusulong ng sistemang Pederalismo sa bansa, iginiit nito na paglilinlang lamang ang eleksyon sa mga tao dahil malaki ang paniniwala nito na ang mga nahalal ngayon ay napapaloob pa rin sa maling sistema ng bansa.


Inihayag nito na kung hindi aniya mapapalitan ang demokratikong sistema ng Pilipinas ay wala din aniyang pag-asa na umunlad ang bansa.

Inihalimbawa nito ang umano’y pag-unlad lamang ng mga nakaupong pulitiko habang ang mga mamamayang Pilipino ay naghihirap pa rin.

Naniniwala rin ito na kung mapalitan ang kasalukuyang sistema tungo sa Pederalismo ay mababawasan ang korapsyon.

Kinakailangan lamang anya na suportahan ang Pangulong Rodrigo Duterte upang maipatupad ang mga plano nito para sa pagbabago ng bansa.

Facebook Comments