ELEKSYON | Mga polling precints sa QC, iisa ang pattern ng problema

Manila, Philippines – Iisa ang pattern ng reklamo sa mga polling precints sa iba’t ibang barangay sa Quezon City.

Pare-parehong nagsisiuwian na ang mga botante na maaga nagsidatingan matapos madismaya na hindi mahanap ang kanilang mga pangalan.

Sa Barangay Sto. Domingo, Masambong at Bagong Silangan, nagtataka ang mga botante dahil mayroon silang pangalan sa master list ng COMELEC, pero pagdating sa mga presinto ay wala sila sa voter’s list.


Sa Barangay Bagong Silangan na mayroong 36,000 voters, mahaba pa rin na ang pila nang nag veverify sa PPCRV.

Ayon sa 20 anyos na botante na si Mary domingo, bumoto siya noong 2016 presidential elections sa precinct

1127-A, pero ngayon ay wala na ang kaniyang pangalan sa voters list.

May otsenta o 80 ang mga polling precints sa barangay Bagong Silangan.

Facebook Comments