ELEKSYON | Panukalang anti-premature campaigning, suportado ng ilang miyembro ng mayorya ng Senado

Manila, Philippines – Suportado ng ilang miyembro ng mayorya ng Senado ang panukalang batas na isinusulong ni Senadora Leila De Lima na parusahan ang mga kandidatong nagsasagawa ng premature campaigning isang taon bago ang halalan.

Ayon kay Senate Majority Floor Leader Juan Miguel Zubiri, nakikita niya itong hakbang para mabigyan ng reporma ang sistema ng eleksyon sa bansa.

Sa ilalim ng panukalang batas, paparusahan ang isang kandidato na mag-eendorso ng isang produkto o serbisyo, bayad man o hindi, lalabas sa mga commercial, documentaries at pag-guest sa mga programa kung hindi naman kinakailangan.


Ipinagbabawal din sa panukala ang pagiging-news anchor, writer o regular na talent ang mga kandidato sa anumang media network.

Facebook Comments