ELEKSYON | PNP nakapagtala na ng 15 election related violence

Manila, Philippines – Umabot na sa 15 election related violence incidents ang naitatala ng Philippine National Police kaugnay sa gaganaping Barangay at Sangguniang Kabataan election sa May 14, 2018.

Ayon kay PNP Chief Police Director General Oscar Albayalde ang bilang ng mga insidenteng ito ay naitala ngayon election period o simula noong April 14, 2018.

Pero ayon sa opisyal na tanging mga suspected related violence incidents pa lamang ang mga ito dahil hindi pa naba-validate.


Paliwanag niya, lahat nang nangyayaring karahasan na sangkot ang isang Brgy. officials ay kanilang ikinokonsiderang election related violence incidents na kailangan pang i-validate.

Hindi pa matukoy ngayon ng PNP kung ilan ang nasawi sa 15 insidente ng karahasan na kanilang namonitor ngayog election period.

Facebook Comments