Manila, Philippines – Inaasahang ilalabas ng Commission on Elections (COMELEC) ang pinal na listahan ng mga qualified voters sa darating na Barangay at Sangguniang Kabataan elections sa susunod taon.
Ayon kay COMELEC spokesperson James Jimenez – sisimulan ng Election Registration Boards (ERBs) ang pag-assess sa mga applications na isinumite sa katatapos na voters registration kahapon.
Ang ERB aniya ang magdedesisyon kung aaprubahan ang mga applications at posibleng abutin ng dalawang linggo ang pagproseso nito.
Dagdag pa ni Jimenez – maaring i-apela ng applicants ang magiging desisyon ng ERB sa pamamagitan ng paghain ng petition of inclusion o exclusion.
Kapag naisapinal ang listahan ng mga botante, mag-iisyu sila ng updated calendar para sa Barangay at SK election na gaganapin sa May 14, 2018.