Eleksyon sa Baguio!

Baguio, Philippines – Tuloy tuloy ang pagdagsa ng mga botante sa mga voting precint sa buong syudad.

Sa ngayon, walang karahasan o kaguluhan ang naibalita na may kaugnayan sa eleksyon sa Baguio City, at inaanyayahan pa rin ang mga hindi pa bumoboto na gamitin ang kanilang karapatan na pumili ng mga opisyal na karapat dapat mamuno sa ating mga barangay.

Bawal pa rin ang uminom ng alak hanggang mamayang alas once ng gabi, Mayo 14 nang kasalukuyang taon. At ang Gun Ban naman ay epektibo hanggang Mayo 21, 2018 o isang linggo matapos ang eleksyon.


Ikaw iDOL, nakaboto kana ba?


Facebook Comments