Eleksyon sa Cotabato City Mapayapa- PNP

Naging mapayapa sa pangkalahatan ang ginawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections sa Cotabato City.

Ito ang pahayag sa DXMY ni City PNP Director SSupt Rolly Octavio .

Bagaman may mga naitalang girian ng mga supporters ng mga kandidato sa mga areas ng Kalanganan 2, Mother Barangay Tamontaka, at Mother Barangay Bagua agad namang na settle ito ng mga elemento ng PNP at 5th Special Forces.


Bahagya ring nabulabog ang mga bumubuto sa Sero at Pilot Elementary School matapos may magbomb joke.

Samantala pasado alas onse naman kanina ng magtungo sa polling precint at bumuto si Cotabato City Mayor Atty. Frances Cynthia Guiani.

Nagpapasalamat naman ang alkalde sa pagtugon ng kanyang mga kababayan na mapanatiling matiwasay ang eleksyon. Nagalak rin ito sa di pagpapabulag at padala sa vote buying ng ilang mga kumandidato.

Facebook Comments