Ipinahayag ng Police Regional Office 2 na naging payapa sa kabuuan ang katatapos na halalan 2019 sa buong lambak ng Cagayan.
Sa naging panayam ng 98.5 RMN Cauayan kay Police Brigadier General Jose Mario Espino, Regional Director ng PRO-2, base sa inilabas na datos ng PNP ay mas mababa ang election related incidents sa katatapos na halalan kumpara sa mga nakaraang eleksiyon.
Dahil aniya ito sa maagang preparasyon na isinagawa ng AFP, PNP at COMELEC kung kaya’t naging mapayapa ang katatapos na halalan.
Bagamat mayroong insidente ng panununog ng mga election paraphernalias sa bayan ng Jones ay tiniyak naman nito na hindi na mauulit bagkus ay mas lalo pa nilang pagbubutihin sa susunod na eleksyon.
Facebook Comments