ALAMINOS CITY, PANGASINAN – Kabilang ang isang paaralan sa lalawigan ng Pangasinan na aprubado ng Department of Education para sa pagsasagawa ng pilot run ng limited face-to-face classes sa bansa kahit pa nakakaranas ng pandemya.
Ang Longos Elementary School sa Barangay Pangapisan sa lungsod ng Alaminos ang kabilang sa 90 na paaralan sa buong bansa na aprubado para pilot run ng limited face-to-face classes ng DepEd.
Ang naturang Elementary School ay ang tanging paaralan sa buong lalawigan ng Pangasinan na aprubado sa pilot run.
Bago pa nito ay nagkaroon ng consultative meeting sa pagitan ng City Schools Division Office at ng pamahalaang lungsod ng Alaminos kung saan tinalakay ang strategic plan, mga ibat’ ibang kondisyon at bagong panuntunang pangkalusugan at mga gagawing paghahanda ng paaralan.
Samantala, sampu namang paaralan sa Ilocos Norte ang kabilang sa pilot run ng limited face-to-face classes sa buong bansa.###