ELEMENTARY STUDENTS, TUMANGGAP NG KAPOTE

CAUAYAN CITY- Muling namahagi ng rain coats o kapote ang Lokal na Pamahalaan ng Tumauini sa mga mag-aaral sa bayan ng Tumauini, Isabela.

Kabilang sa mga napamahagian ay ang mga mag-aaral ng elementarya mula Grade 1 hanggang Grade 3 kung saan limang paaralan ang binigyan na kinabibilangan ng San Mateo Elementary School, Sta. Catalina Elementary School, Ugad Elementary School, Paragu Elementary School at Pilitan Elementary School.

Layunin ng programa na bigyang proteksyon ngayong maulan na panahon ang mga mag-aaral sa bayan ng Tumauini.


Samantala, magpapatuloy ang pamamahagi ng raincoats sa ibang paaralan sa mga susunod na araw.

Facebook Comments