Elenita Binay, inabswelto ng Sandiganbayan

Inabswelto ng Sandiganbayan si dating Makati City Mayor Elenita Binay, asawa ni dating Vice President Jejomar Binay sa mga kasong graft at malversation.

Ito ay may kaugnayan sa umano’y iregularidad sa pagbili ng ₱45 milyong halaga ng mga hospital equipment at supply sa Ospital ng Makati noong 2001.

Kasamang naabsuwelto sina dating Head of the General Services Department Ernesto Aspillaga, City Accountant III Dulce Cruz at City Treasurer Luz Yamane-Garcia.


Sa kabila nito, hinatulan naman sa dalawang kasong graft sina City Supply Officer II Conrado Pamintuan at Administrative Officer I Jaime delos Reyes.

Hinatulan silang makulong ng anim hanggang walong taon at diskuwalipikado na sa public office.

Facebook Comments