‘Elevated EDSA,’ imumungkahi sa DOTr  

31

Magsusumite ng proposal sa susunod na Linggo ang San Miguel Corporation sa Department of Transportation (DOTr) para sa proyektong Elevated EDSA.

Sa pamamagitan ng proyekto, mapapagdugtong na ng itatayong fly-over ang Balintawak at Macapagal Boulevard.


Magkakaroon din ito ng 5-by-5 lane kung saan ang dalawang lane ay ilalan para sa mga bus.

Pagmamalaki ni transportation Sec. Arthur Tugade, maliban sa 1.5 Million na pasahero na makikinabang dito kada araw, malaki rin ang maitutulong nito para mabawasan ang mabigat na trapiko sa EDSA.

Samantala, plano ng SMC na gawing bus at food terminal ang 52 ektaryang Pandacan Oil Depot.

Facebook Comments

From Advertisers