Nakilala ang drayber ng elf truck na si Elmer Macapia, 40 anyos, residente ng brgy. District 1, Cauayan City at tubong Brgy. San Mariano, Isabela habang ang drayber ng kotseng Toyota Corolla ay kinilalang si Jeric Torre, 29 taong gulang, PNP Member na nakatalaga sa Ifugao province at residente ng Sta Maria, Alfonso lista, Ifugao.
Lumabas sa imbestigasyon ng Cauayan City Police Station, galing sa Baguio City ang elf truck na may 11 kataong sakay at patungo sana ito sa Centro ng Cauayan City at nang makarating sa pinangyarihan ng insidente, biglang nabangga ng kasalubong na kotse.
Ayon naman sa suspek na drayber ng kotse, hindi umano nito natansya ang kanyang manibela matapos itong mag-overtake sa sinusundang sasakyan kung kaya’t sumalpok ito sa elf truck.
Inamin naman ng suspek na nakainom ito ng nakalalasing na inumin nang siya’y magmaneho.
Samantala, nagkasundo rin ang magkabilang panig ngayong umaga kung saan babayaran lahat ng suspek ang gagastusing pampaayos sa natamong pinsala ng truck.
Php30,000 na halaga ang napagkasunduang kabuuang kabayaran sa pinsala ng elf truck at ibibigay ito ng suspek sa January 5, 2022.
Kung sakali namang hindi tutupad sa usapan ang suspek, kakasuhan na ito ng PNP ng Reckless Imprudence Resulting in Damage to Property.