Isa patay habang 14 wounded sa nangyaring vehicular accident sa Alamada North Cotabato pasado alas dose ng tanghali kahapon.
Naitala ito sa bahagi ng Sitio Tawasi Ranggayen Alamada sa impormasyon mula kay Alamada Councilor Albert Bacat sa panayam ng DXMY.
Sinasabing nawalan ng preno ang sinasakyang Baby Elf na may plate # 1201-475493 ng mga biktima.
Kinilala ni Councilort Bacat ang nasawing biktima na si Felix Baya, 55 anyos residente ng Montay Libungan.
Kinilala rin nito ang mga naging sugatan sa aksidente sina Javier Oplimo, driver ng Elf at sinasabing dating brgy. Official ng Ranggayen Alamada, Ryan Agues 29, Nenita Jaod, Teacher 55, Karen Jaod Condeno, 19, Irish Joy Jaod, 24, Vilma Jaod, 51, Flowrence Jaod 35, Nur Baya 55, isang guro , Rosindo Oplimo 31 Sundalo, Jomari Hasim, Chrisha Baya 7 ,Jenelyn Oplimo 33, Manuel Poras, Cherry Lou Gonzales 13, at Lynette Agues.
Karamihan sa mga biktima ay magkakamag-anak mula Montay Libungan.
Sinasabing nagmula na sa Alamada ang mga biktima para makapamili lamang ng mga bulaklak ngunit ng pauwi na sila ay nangyari ang aksidente.
<www.avast.com/sig-email?utm_medium=email&utm_source=link&utm_campaign=sig-email&utm_content=webmail>