Eliseo Rio, itinalaga muli bilang acting secretary ng DICT

Muling itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Eliseo Rio Jr. bilang acting secretary ng Department of Information and Communications Technology (DICT).

Pinirmahan ng Pangulo ang reappointment paper ni Rio noong March 25.

Ayon kay Rio – ang pagkakatalaga sa kanya ay para lamang sa loob ng isang taon at kailangang i-renew para sa panibagong taon hanggang sa makapagtalaga ng bagong kalihim ng ahensya.


Si Rio ay dating commissioner ng National Telecommunications Commission (NTC) at humalili kay Rodolfo Salalima na nagbitiw noong September 2017.

Facebook Comments