Ellen Adarna at Derek Ramsay, magkasamang ipinagdiwang ang Valentine’s Day

119

Sa kabila pagtanggi sa namumuong relasyon, magkasamang nag-celebrate ng Valentine’s Day ang aktor na si Derek Ramsay at aktres na si Ellen Adarna.

Sa social media account ng aktor, ibinahagi nito ang litrato kung saan kasama si Ellen sa Valentine’s dinner date ng pamilya ni Derek.


Makikita ring kasama ni Ellen ang anak nito sa aktor na si John Lloyd Cruz na si Ellias maging ang teenage son ni Derek.

Nitong nakaraan lamang ay naging laman din ng instagram stories ni Ellen ang aktor na kinuhanan sa kanilang beach getaway.

Una nang sinabi ng dalawa na ‘walang malisya’ ang anumang namamagitan sa kanila.

Facebook Comments