Ellen Adarna, bakit nga ba naniniwalang kailangan munang maglive-in bago ikasal ang isang magkarelasyon?

Ibinahagi ng aktres na si Ellen Adarna ang dahilan kung bakit naniniwala siyang kailangan munang maglive-in bago ikasal ang isang magkarelasyon.

Sa interview ng Between Us Queens sa Spotify, inamin ni Ellen na mismong ang kaniyang ama ang humimok at nagbigay sa kaniya ng ideya kaugnay sa pag-aasawa.

Base kasi sa payo ng kaniyang ama, mas makikilala mo ang iyong mapapangasawa kung makakasama mo ito sa iisang bubong.


Inamin naman ni Ellen na dumaan sila sa live-in ng kaniyang lahat na nakarelasyon, kaya mas nakilala niya ang mga ito.

Sa huli, payo ni Ellen nasa sarili pa rin ang desisyon para sa ikabubuti ng pagsasama ng isang magkasintahan.

Facebook Comments