Ellen Adarna, buntis?

Showbiz – How true ang bali-balitang buntis daw ang sexy-actress na si Ellen Adarna at ang ama ng kanyang dinadala, si John Lloyd Cruz???

Si Ellen daw mismo ang nagkumpirma nito sa ilang malalapit niyang kaibigan.

Nakwento pa nga raw ng aktres na maselan ang kanyang pagbubuntis.


Ito rin umano ang dahilan kung bakit hindi na pinahaba pa nina John Llyod at Ellen ang bakasyon sa Europe.

Wala pa namang kumpirmasyon sa isyu ang kanilang mga talent manager.

Nito lang mga nakaraang buwan nang umugong ang balitang may relasyon ang dalawa dahil na rin sa pagkalat ng mga sweet photo at videos nila sa social media.

Facebook Comments