Ellen Adarna, sa Cebu nga ba manganganak?

Namataan sina Ellen Adarna at John Lloyd Cruz sa isang ospital sa Cebu kung saan nagpa-check up ang aktres sa kanyang OB-Gyne noong Sabado, June 16.
Ang OB-Gyne ni Ellen ay nasabing may clinic sa Chong Hua Hospital sa Mandaue, Cebu.
Ilang araw na lamang ang nalalabi at isisilang na ni Ellen Adarna ang anak nila ni John Lloyd Cruz. Ngunit hindi raw nagpa-ultrasound ang aktres dahil gusto nila na masurpresa sa kung lalaki o babae ba ang magiging anak nila.
Nakuhaan ng litrato ang aktres na palabas ng clinic na nakasuot lamang ng maluwag na itim na T-shirt at naka-tsinelas, kung saan kasunod niya sa kanyang likuran ang kanyang partner na si John Lloyd.
Matatandaang naghain ng motion for trial rescheduling ang abogado ni Ellen dahil sa nalalapit nyang panganganak. Kaugnay ito sa reklamong child abuse at cyber libel na isinampa laban kay Ellen ng mga magulang ng teenager na si Eleila Santos na inakusahan ni Ellen ng patagong pagkuha ng video nila ni John Lloyd sa loob ng isang restaurant sa Makati noong May 14.

Facebook Comments