Ellen Adarna, sinagot ang netizen na tumawag sa kaniyang gala at feeling dalaga

71
COURTESY: ELLEN ADARNA INSTAGRAM

Walang alinlangang sinagot ng aktres na si Ellen Adarna ang isang netizen na sumita sa tila pagfi-feeling dalaga niya at pagiging gala.

Kasunod ito ng ibinahagi niyang mga larawan sa kaniyang Instagram ng pagbisita nito sa ilang sikat na tourist spot sa Cebu kabilang ang Temple of Lea na pagmamay-ari ng kaniyang pamilya.

Banat ni Ellen sa netizen, una, buhay niya ‘yon at pangalawa, mapa-dalaga man aniya o hindi ay kailangan talaga ng mga tao ng “break”.

Payo pa niya sa netizen na tinawag niyang “ghorl na mukhang boy”, huwag ipahalata ang kaniyang pagka-ignorante.

Matatandaang halos tatlong taon na mula nang lumagay sa tahimik ang aktres at nag-focus na lamang sa pagiging hands-on mom.

At hanggang sa ngayon, wala pa rin daw siyang balak na bumalik sa showbiz.

Facebook Comments