
Nagsasagawa ngayon ang Environmental Management Bureau o EMB-NCR ng rapid on-site validation at aerial assessments sa pamamagitan ng drone upang matukoy ang mga lugar na apektado ng sunog sa Navotas Sanitary Landfill.
Ayon sa EMB-NCR, maglalabas sila ng listahan ng mga apektadong barangay sa sandaling makumpleto ang drone validation.
Pinaalalahanan din ang publiko na manatili sa loob ng bahay, magsuspinde ng outdoor activities at magsuot ng N95 mask kung kinakailangan, lalo na para sa mga bata, matatanda, buntis, at may sakit sa baga o puso.
Batay sa ulat dineklara na ng Bureau of Fire Protection na fire under control ang sunog na nagsimula pa ng Biyernes ng gabi.
Facebook Comments










