Walang napaulat na naapektuhang Pilipino ang Embaha ng Pilipinas sa Islamabad kasunod ng pananalasa ng pagbaha sa Pakistan.
Sa isang pahayag, wala pang nakakarating sa kanilang apektadong Pilipino mula sa Sindh at Punjab at patuloy pa rin ang pakikipag-ugnaya sa Filipino community leader sa Balochistan kaugnay sa sitwasyon ng ating mga kababayan sa lugar.
Batay sa datos ng Philippine Embassy, tinatayang nasa 3,000 Pilipino ang nasa Pakistan at karamihan dito ang household service workers.
Samantala, umabot na sa 1,033 katao ang nasawi sa malakas na ulan at pagbaha sa Pakistan kung saan 348 dito ang bata.
Ayon naman kay Pakistan Minister for Climate Change Sherry Rehman, tinatayang nasa 33 milyong katao ang naapektuhan ng kalamidad na nag-iwan ng 1,527 indibidwal na sugatan.