Embahada at Konsulada ng Pilipinas sa Seoul at Guam, pinagsusumite ng regular na update kaugnay ng panibagong missile threat ng North Korea

Manila, Philippines – Regular na pinagsusumite ng Department of Foreign Affairs ng update sa kani-kanilang nasasakupan sina Philippine Ambassador to South Korea Raul Hernandez at Consul General Marciano de Borja sa Agana, Guam.

Kaugnay ito ng banta ng North Korea na pagpapakawala ng missile sa Guam.

Sa ngayon,65-thousand ang mga Pilipino sa South Korea at halos 43-thousand naman sa Guam.


Kapwa naman tiniyak nina Hernandez at De Borja na nakalatag na ang kanilang mga hakbangin sakaling lumala ang tensyon sa Korean peninsula.

Facebook Comments