Embahada ng China sa Pilipinas, iginiit na ang Pilipinas ang sumuway sa kanilang “napag-usapan” sa WPS

Binigyang diin ng Embahada ng China sa Pilipinas na ang Pilipinas ang umano’y sumuway sa napag-usapan sa West Philippine Sea.

Ito’y matapos muling isisi ang naging aksyon ng Chinese Coast Guard sa nangyari na namang tensyon sa West Philippine Sea.

Ayon sa inilabas na pahayag ng Embahada ng China, Pilipinas umano ang nagsimula ng tensyon dahil sa pagpasok nito sa katubigang nasa loob ng exclusive economic zone (EEZ) ng bansa base na rin sa United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS).


Ang naging pahayag ng China ay nag-ugat matapos ang nangyaring pagbomba at muling pangha-harass ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas na naghatid ng supply sa BRP Sierra Madre.

Sa ngayon ay wala pang sagot ang China kung ano ang eksaktong commitment ng Pilipinas at China hinggil sa West Philippine Sea at sino ang kausap ng mga ito hinggil sa sinasabing usapin.

Facebook Comments