Itinanggi ng Embahada ng China sa Pilipinas na may naganap na harassment sa pagitan ng kanilang Coast Guard at sa mga mangingisdang Pilipino sa bahagi ng Kalayaan Islands.
Kasunod ito ng pagpasa ng China ng isang batas na nagpapahintulot sa Coast Guard nito na paputukan ang anumang uri ng foreign vessels at i-demolish ang mga istrakturang ginawa ng ibang bansa sa Chinese-claimed reefs.
Sa inilabas na pahayag sa China, nakasaad dito ang madalas na nabibigyan ng maling kahulugan ang kilos ng kanilang bansa.
Habang maituturing din anilang fake news ang balita dahil nahahaluan ng interes sa politika ang isyu.
Naghahanap lang kasi anila ng tulong ang barko ng China noon dahil masama ang lagay ng panahon sa karagatang Pasipiko at tanging research operation lamang ang kanilang ginagawa.
Sa ngayon, hinimok ni Department of Foreign Affairs (DFA) Sec. Teodoro Locsin Jr., si Presidential Spokesperson Sec. Harry Roque na huwag nang makialam sa mga isyu ng kanyang departmento matapos magkomento sa China Coast Guard Law.
Sinagot naman ito ni Roque na susundin niya ang payo pero hindi aabot sa punto na hindi makikialam ang gobyerno dahil trabaho ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagiging chief architect ng foreign policy ng bansa.