Embahada ng China sa Pilipinas, may patutsada sa Philippine-Japan-US Trilateral Summit

Hindi kumbinsido ang China na para sa kapayapaan sa rehiyon ang naging pakay ng Japan-US Trilateral Summit.

Ayon kay Chinese Embassy to the Philippines Spokesperson Lin Jian, hindi bulag ang mga tao.

Mistula rin aniyang pinalalabas ng Pilipinas na biktima ito.


Aniya, ang Pilipinas ang dapat na mag-isip isip kung tama ba ang mga ginagawa nitong aksyon sa isyu ng West Philippine Sea.

Iginiit pa ni Lin na ang Pilipinas ang maliwanag na lumabag sa commitments nito kaya lumala ang tensyon sa pagitan ng Pilipinas at China.

Facebook Comments