Embahada ng France sa Pilipinas, nababahala sa marahas na hakbang kahapon ng China sa West Philippine Sea

Aminado ang French Embassy to the Philippines na nababahala sila sa panibagong insidente kahapon sa West Philippine Sea (WPS).

Kaugnay nito, muling nanawagan ang naturang embahada na respetuhin ang United Nations (UN) Convention on the Law of the Sea at ang Freedom of Navigation.

Iginiit din ng French Embassy na tutol sila sa paggamit ng anumang pwersa na labag sa international law.


Mas mainam anilang idaan sa maayos na dayalogo ang pagresolba sa ano mang usapin.

Ipinaalala rin sa Pilipinas ng embahada sa ang naging desisyon sa nasabing isyu ng Arbitral Court noong July 12, 2016.

Magugunitang kahapon ay muling hinarass ng mga barko ng China ang mga barko ng Philippine Coast Guard (PCG) at ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) habang naglalayag ito sa karagatang sakop ng Pilipinas.

Facebook Comments