Inilunsad ng Embassy of Israel sa bansa ang kauna-unahang librong naisalin sa salitang Tagalog mula sa Hebrew.
Ito ay ang “Bigla, May Kumatok sa Pinto” na sinulat ng Israeli author na si Etgar Keret.
Ayon kay Israel Ambassador to the Philippines Rafael Harpaz, bukod sa magandang tema ng mga istorya, tiwala siyang makakakonekta sa mensahe ng mga kwento ang mga Pilipino.
Aniya, ang “Bigla, May Kumatok sa Pinto” ay pinagsama-samang iba’t ibang maikling fiction stories na magkakaiba rin ang tema.
Bukod sa Filipino, naisalin na ang libro sa nasa 45 pang ibang wika.
Facebook Comments