Embahada ng Pilipinas, inirekomenda ang pansamantalang travel suspension sa Israel

Iminungkahi ng Philippine Embassy sa Israel ang pansamantala munang pagsuspinde ng mga biyahe sa Israel dahil pa rin sa patuloy na digmaan sa naturang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), naglabas muli ng isang travel advisory ang Philippine Embassy sa Israel na suspendihin muna na ang lahat ng biyahe mula sa Pilipinas patungo sa Israel dahil hindi pa nila matiyak ang kaligtasan sa sitwasyon doon.

Kahit umano wala pang karagdagang mga Pinoy sa Israel ang humiling ng repatriation ay umaasa silang madadagdagan pa ito.


Matatandaang inanunsyo ni Pangulong Bongbong Marcos na may 40 na mga Pinoy na ang nakatawid sa Rafah border at nasa maayos nang kalagayan sa Egypt.

Samantala, inanunsyo naman ng Palestinian Health Ministry na tumaas pa sa 10,328 katao ang bilang ng mga namatay mula pa noong October 7.

Kabilang nga rito ay ang 4,237 na mga bata at 2,719 na kababaihan.

Facebook Comments