Binalaan ng Embahada ng Pilipinas ang mga nagnanais na magtrabaho bilang household service workers o kasambahay sa bansang Lebanon.
Nabatid kasi na nananatili pa din hanggang sa ngayon ang deployment ban sa nasabing bansa kaya’t iligal ang pagre-recruit o pagpunta dito.
Papatawan ng kaukulang parusa ang sinumang susuway sa nasabing kautusan at siguradong pananagutin ito sa batas.
Ang mga Pilipino naman na walang papel na nasa Lebanon ay makakauwi lamang sa Pilipinas kung mayroon silang hawak na exit clearance mula sa Lebanese General Security.
Kinailangan lamang na mayroon silang permiso sa amo o sponsor, bayad sa isama na hindi nabayaran, valid passport o travel document at ticket pang-eroplano pero ang proseso ay inaabit ng limang buwan kung saan posible pang makulong ang isang indibiwal kapag wala nito.
Payo naman ng embahada na sumunod sa batas at huwag basta-basta maniwala sa mga nag-aalok ng trabaho papuntang Lebanon.