Embahada ng Pilipinas, patuloy na binabantayan ang sitwasyon sa Portugal matapos na bumagsak ang funicular railway car sa Lisbon

Naka-monitor pa rin ang Embahada ng Pilipinas sa Lisbon para malaman kung may Pilipinong nadamay sa nangyaring pagbagsak ng funicular railway car sa Lisbon, Portugal.

Ayon sa Embahada, binabantayan pa rin nila at inaalam ang kasalukuyang impormasyon kung may Pilipinong sangkot sa aksidente ng tourist tram sa lugar.

Umabot sa 17 ang nasawi habang 21 naman ang sugatan matapos madiskaril at bumagsak ang Gloria funicular railway car.

Hindi pa naman nilalabas ng mga awtoridad ang pagkakakilanlan ng mga biktima, ngunit kinumpirmang may ilang dayuhan na kabilang sa mga nasawi.

Binuksan noong 1885, ang Gloria line na nag-uugnay sa downtown area ng Lisbon malapit sa Restauradores Square patungo sa Bairro Alto o Upper Quarter.

Una nang sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA), na walang Pinoy na naitalang nadamay sa insidente.

Facebook Comments