Embahada ng Pilipinas, pinag-iingat ang mga Pilipino sa Brazil kasunod ng patuloy na pagtaas ng kaso ng dengue

 

Patuloy ang paalala ng Embahada ng Pilpinas sa mga Pinoy na naninirahan sa Brazil.

Ito’y dahil sa patuloy pa rin na pagtaas sa kaso ng dengue sa nasabing bansa na naipapasa ng lamok na Aedes Aegypti.

Ayon sa Embahada ng Pilipinas sa Brazil, nagdeklara na ng public health emergency ang mga naturang estado ng Gouias, Minas Gerais, Rio De Janeiro at Akaer dahil sa dengue outbreak.


Nagtayo na rin ang Sao Paolo ng special emergency center upang labanan ang lamok na Aedes Aegypti.

Una rito tumaas ng husto ang kaso ng dengue sa Brazil sa unang dalawang buwan ng 2024 kumpara sa pangkalahatang kaso noong nakaraang taon.

Nagbigay payo ang Embahada ng Pilipinas sa Brazil, kapag nakararanas ng sintomas tulad ng lagnat, sakit ng ulo, pananakit ng kalamnan, pantal at iba pa ay humingi kaagad ng tulong medikal o magpunta sa pinakamalapit sa health centers sa kanilang lugar.

Pinaalalahanan din ng Embahada ang mga Pinoy na sumunod sa lahat ng alintuntunin sa pag-iwas at pag-kontrol ng dengue.

Facebook Comments