Embahada ng Pilipinas, pinapaalalahan ang mga pilipino na libre ang bakuna kontra COVID-19 sa Kuwait

Pinapaalalahanan ng Embahada ng Pilipinas ang mga pilipino na libre ang bakuna kontra COVID-19 sa Kuwait.

Pinayuhan ng Embahada ang mga Pilipino na maaaring kumuha ng online appointment para sa bakuna laban sa COVID-19 sa website ng Kuwaiti Ministry of Health na http://cov19vaccine.moh.gov.kw.

Para naman sa edad 65 taon pataas, hindi na kailangan pa ng appointment at maaaring mag-walk-in sa Kuwait International Fairgrounds sa Mish-ref.


Kung sakaling nagkaroon na noon ng COVID-19, kailangang maghintay ng tatlong buwan mula nang gumaling sa sakit bago bigyan ng bakuna.

Sa ngayon, Pfizer-BioNTech at Oxford-AstraZeneca ang ibinibigay na bakuna sa Kuwait.

Simula naman sa 1 Agosto 2021, bawal nang pumasok ng Kuwait ang mga dayuhang wala pang kumpletong bakuna laban sa COVID-19.

Kikilalanin lamang ng Kuwait ang mga dayuhan na nabakunahan na ng Pfizer-BioNTech, Moderna, Oxford-AstraZeneca, Johnson & Johnson.

Sa kasalukuyan ay mayroong 223, 565 Overseas Filipinos sa Kuwait, 65% dito ay domestic workers.

Facebook Comments