Embahada ng Pilipinas, pinayuhan ang mga Pilipinong nai-stranded sa Makkah, Saudi Arabia na maging kalmado at sundin ang tagubilin ng Hajj authorities

Pinayuhan ng Embahada ng Pilipinas ang mga kababayang nating nai-stranded na maging kalmado sa lahat ng oras at sundin ang mga tagubilin ng Saudi Hajj authorities.

Matatandaan na kumikilos na ang Embahada ng Pilipinas sa Muzdalifah o Makkah sa Saudi Arabia para tulungan ang mga kababayang Pilipino sa nasabing lugar matapos na mai-stranded habang dumadalo sa Hajj.

Batay sa abiso ng Embahada ng Pilipinas, nakarating na ang kanilang grupo sa nasabing lugar at tulong-tulong anila ang mga tauhan ng embahada sa Riyadh, konsulada sa Jeddah at maging ang Migrant Workers Office ng dalawang lugar para matiyak ang kaligtasan ng mga Pinoy roon.


Samantala, puspusan din ang pakikipag-ugnayan nila sa mga awtoridad sa Saudi upang maihatid ang tulong na kinakailangan ng mga kababayan sa lugar.

Facebook Comments