Embahada ng Pilipinas sa Bahrain, nagbabala sa mga Pilipino roon laban sa nag-aalok ng vaccination slot

112

Pinag-iingat ng Embahada ng Pilipinas sa Bahrain ang mga Pilipino roon laban sa mga nag-aalok ng serbisyo para makapag-book ng vaccination slot.

Kasunod naman ito ng beripikadong ulat ukol sa pangoungolekta ng bayad ng ilang indibiduwal kapalit ng serbisyong pagbo-book ng vaccination slot.


Mahigpit na pinapaalalahanan ang mga Pilipino sa bansang Bahrain na libre lamang ang pagbo-book ng vaccination slot sa pamamagitan ng BeAware App.

Ang paniningil ng bayad para sa serbisyo upang makapag book ng isang vaccination slot ay taliwas sa mga patakarang itinakda ng Ministry of Health ng Bahrain.

Nagbabala ang Embahada na huhulihin at papanagutin ang nasa likod ng naturang ilegal na aktibidad.

Facebook Comments