
Balik na sa normal ang operasyon at serbisyo ng Embahada ng Pilipinas sa Israel sa Lunes.
Kasunod na rin ito ng anunsiyo ng bansang Israel na ceasefire sa pagitan ng kanilang bansa at Iran.
Kasama na rin dito ang pagtanggal sa restrictions ng ano mang aktibidad sa naturang bansa.
Kabilang ding magbabalik serbisyo ang consular office, Department of Migrant Workers (DMW) Office at opisina ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA).
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagbibigay ng tulong ng Embahada ng Pilipinas sa mga kababayan nating naiipit sa gulo habang hindi pa sila nagbubukas sa kanilang operasyon.
Facebook Comments









