Abot sa 367 na undocumented overseas Filipinos sa Bahrain ang naturukan ng AstraZeneca vaccines sa ilalim ng “Libreng Bakuna Para kay Juan at Juana” program ng Philippine Embassy.
Pinangunhan mismo ni Philippine Ambassador to the Kingdom of Bahrain Alfonso Ver ang pagbibigay ng vaccination sa ating mga kababayang wala pang kapahintulutang magtrabaho roon.
Dahil dito, ang 367 na mga undocumented Overseas Filipino Workers (OFWs) ay rehistrado na sa BeAware health app.
Ibig sabihin, makakapag-avail na sila ng lahat ng features ng app, kabilang na ang electronic vaccination certificate (green shield) na kinakailangan para makapasok sa mga office building, government institutions, malls, restaurants, schools at iba pa.
Maliban sa protektado na kontra COVID-19, mas magkakaroon ng oportunidad ang mga bakunadong undocumented Filipinos na mahakanap ng trabaho sa Bahrain.
Ang green shield o patunay na fully vaccinated na ang sinumang indibidwal ay pangunahing hinahanap na requirements ng mga employer doon.